"May Bukas Pa!" - Alay ko sa mga inulila ni John David T. Galima (1995 - 2009)

Hindi ako panatiko o masugid na manonood ng programang "May Bukas Pa" ng ABS-CBN, gayunpaman personal kong nagustuhan ang temang awitin ng progma na ni-revive ni Erik Santos, ang "May Bukas Pa." Nagustuhan ko ito dahil sa maganda nitong mensahe na humihimok sa tagapakinig na magpatuloy sa pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok at problema.

"May bukas pa sa iyong buhay...
tutulungan ka ng Diyos na Maylalang!
Ang iyong pagdaramdan,
Idalangin mo sa Maykapal
Nang sa puso mo'y mawala ng lubusan..."

Naging masaya ang pagdiriwang namin ng Pasko noong disperas ng Noche Buena. Hindi man kami kumpleto magkakapatid, ipinagbunyi parin naming maligaya ang kapanganakan ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas. Ngunit lingid sa aming kaalaman na mayroon palang mangyayaring hindi inaasahan. Tanghali ng Disyembre 26 nang matanggap namin ang masamang balita na ang pinsan kong si John David "Jan-Jan" T. Galima, 14 taong gulang, ay binawian na ng buhay noong madaling araw ng Disyembre 25 dulot ng isang aksidente (ilang impormasyon tungkol sa aksidente ay makikita sa dito). (Si Jan-Jan ang ikalawang anak ng tiyahin kong si Rositta Tombo Galima, na isa ring mananampalataya ni Cristo).

Noong una'y hindi pa ako lubusang naniwala agad. Paskong-pasko, tapos gano'n? Parang kailan lang ay nagkukulitan pa kami. Ginising ko ang mama ko upang ipaalam ang balita, at nang malaman na wala na ang pamangkin niya, natutulala siya at humagulgol ng iyak. Daglian kaming pumunta (kasama ng aking mga kapatid) sa pinaglalagakan ng mga labi ni Jan-Jan upang makiramay sa pagluluksa ng kanyang mga magulang. Pagdating namin doo'y hindi na namin napigilan ang aming mga emosyon at ipinagluksa namin ang pagkawala ng aming mahal sa buhay.

"NAPAKA-SAKIT para sa isang ina ang mawalan ng anak" ayon sa kasabihan, at ito'y totoo nga. Ngunit sa kabila ng mga nangyari sa kanyang buhay, nakikita ko sa mga mata ng ina ni Jan-Jan ang pagkakaroon ng pagasa at katatagan. Pagasa at katatagan na hinuhugot niya sa Diyos. "Kapit lang, tita. Kaya natin 'to" sabi ko sa kanya. "Oo, I know he's in a better situation right now. It is better this way" sagot naman niya habang nakangiti. Totoo ang mga ngiting nakita ko sa kanyang mga labi, ngunit alam kong sa pinaka-malalim na bahagi ng kanyang puso ay ang hindi maipaliwanag na damdamin ng isang ina na nawalan ng isang anak.
    Kaninang umaga, bago ihatid sa kanyang huling hantungan ay pinaghandugan ng misang katoliko ang aking pinsan. Naroon ang kanyang mga kaibigan, kaklase, ilang mga kapit-bahay, at mga kaanak. Doon pa lamang ay naging emosyunal na ang lahat. Nakita ko ang taos puso nilang pagluluksa at pakikiramay. Tunay ngang maraming nagmamahal sa kanya.

    Pagkatapos ng misa ay idiniretso na sa simenteryo ng Bag-Bag ang kanyang mga labi upang doon ilibing. Bago ang libing, binasa ng lahat ang Awit 23 at pagkatapos ay inawit ang isa sa mga paboritong kanta ni Jan-Jan, ang "Who Am I" (ng Casting Crowns) sa pangunguna ko. Pagkatapos nito, binuksan ang kasket ng mga labi upang doon sa loob ilagay ang isang bag na nilalaman ng ilan sa mga alaala ni Jan-Jan na tinatawag nilang "pabaon." Naging emosyunal ang lahat lalo na ang aking lola nang buksan na ito. Samantala, nananatiling kalmado at matatag ang mga magulang ng pumanaw. Hihintayin pa sana ang pagdating ng isa naming tiyahin, ngunit upang kumalma ang aming lola, pinagpasiyahan na nilang ilibing na ang mga labi sa lalong madaling panahon. At gayun nga, ang mga labi niya ngayo'y nakalagak na sa huling hantungan nito.

    Sadya ngang napakasakit mawalan ng isang mahal sa buhay. Ngunit ganyan talaga ang buhay ng tao; marupok at walang katiyakan. Minsan kausap mo lang kanina, mamaya wala na pala. Kung oras mo na, oras mo na. Ngunit sa mga taong nililisan, sadyang mahirap itong kalimutan nang agaran. Mahirap tanggapin, ngunit DAPAT nating tanggapin. At upang maisagawa natin yan, nangangailangan tayo ng kalinga at pakikiramay ng isa't-isa at gabay ng Salita ng Diyos.

    Narito ang apat na bagay na dapat nating tandaan upang gumaan ang ating dinadalang kapighatian:
    1. Lahat ng tao ay mamamatay (Hebreo 9:27) - Lahat tayo ay hahantong sa tinatawag nating "kamatayan." Ang pinagkaiba nga lang, mayroong nauuna, mayroong nahuhuli. Sabi nga nila, "una-una lang yan!"
    2. May Plano ang Diyos (Roma 8:28) - Hindi man natin maunawaan sa ngayon kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito, dapat tayong magtiwala sa Diyos na siyang may kontrol sa lahat ng kaganapan sa ating buhay. Siya ang mas nakakaalam, at kung ano man ang layunin niya para sa atin, makasisiguro tayong para iyon sa MAS ikabubuti natin. Magtiwala lang tayo.
    3. Mayroon pang kabilang buhay (1 Tesalonica 4:13-18) - Kumpara sa buhay na walang hanggan na ipinangako ng Diyos sa atin, walang binatbat ang ikli ng buhay natin dito sa mundo. Nabuhay si Jan-Jan ng 14 taon, at sa loob ng maikling panahong ito'y marami tayong pinagsaluhang magagandang alaala kasama siya. Ngunit hindi lamang 14 taon ang haba ng kabilang buhay kung saan makakasama natin siya "MAGPAKAILAN KAILAN PA MAN!"
    4. May Bukas Pa (Filipos 3:13) - Hindi dapat tumigil nang tuluyan ang mundo natin dahil sa pagkawala ng isang mahal sa buhay. Mayroon pa tayong "takbuhin" (Race) na dapat takbuhin at tapusin, bagamat minsan ay nadarapa tayo - BANGON LANG! May bukas pa!
    Sa mga naulila ni Jan-Jan, KAPIT LANG po tayo sa itaas. Kung tutuusin, hindi po natin kakayanin ito kung tayo lang. Ngunit kung isusuko natin ang lahat-lahat sa Panginoon, asahan nating May Bukas Pa na mas mabuting araw kaysa ngayon.

    Picture of John David T. Galima, taken on December 23, 2009.
    (September 30, 1995 - December 25, 2009)

    Maraming salamat po sa mga nakiramay. Manigong Bagong Taon po sa lahat!

    "...pagiyak ay magtatagal ng magdamag,
    nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan..."
    [Awit 30:5]

    Sa Diyos ang tanging Kapurihan. Amen!

    6 Comments:

    Mary Rose said...

    saLamat xeowh .. mahaL cU .. am very thankfuL to have eu .. di madali sqen na i give up ka .. d p qta keang i give up ngeown .. pru cguro sa mga susunod png mga araw .. taon .. d qu alam kung kailan pru ang alam cu indii pa ngeown mahal cU ..

    kaw unang ng paramdamam sqen ng tinatawag nilang LOVE .. cao pLang ang minahaL cU ng ganito .. ill pramisx na magiging successful aqu pra xeowh .. gagwin ku ang lahat pra mging proud k sqen kung nsxan k mn ngeown ..

    enxa sa mga misunderstanding ntin .. i wiLL always love eu ..mahaL cU .. ur always wid mha heart forever .. ill be forever missing xomeone lyk eu .. LA ng papalit xeowh ..la ng mgiging da best b xeowh .. salamat dahil eu let me to be a part of eur wonderful lyp mahaL cU .. am appie to have eu .. am thnkful dat god showed me the way to meet eu .. ill always lab eu .. take care always mahal cU .. guide me always aa !! misx eu mats !!

    sundy "_" said...

    peace for the dearly departed..

    and may we see you in heaven in the loving hands of God..

    regards to jojo,,


    ang galing mo talaga gumawa ng blog...

    John Joseph Ras said...

    Salamat po.

    Sa Diyos ang tanging Kapurihan.

    Sinnoh(Sayeed) said...

    Bhezt DJ...,,,
    JOHTO....,,,
    DAVID...

    KAHIT anu man ang TAWAG sau...

    SALAMAT...

    SALAMAT dahil DUMATING ka sa BUHAY q...

    SALAMAT dahil naging ISA KNG MABUTING KAIBIGAN sa'kin...

    SALAMAT sa pagiging BAHAGI ng AMNING mga BUHAY...

    At SALAMAT...

    MARAMING SALAMIT dahil naging BAHAGI ka ng POKEMASTERSTARZ at BHEZTIES

    WE LOVE YA BHEZT DJ..

    AND WE WILL MISS YA...

    Sinnoh(Sayeed) said...

    God...


    sana po..


    INGATAN nyo po Dyan c David sa inyong KAHARIAN sa LANGIT...


    Patnubayan nyo po cya...


    at wag nyo po cyang pababayaan...


    INGATAN nyo rin po ung mga taong NAIWANAN at NAULILA nya d2 sa LUPA...


    Bigyan nyo po cla ng LAKASA Ng LOOB na TANGGAPIN at HARAPIN ang mga HAMON na IBINIGAY nyo sa kanila...


    ALAM q pong MASAYA na po c DAVID dyan...


    at ALAM q rin po na It's in YOUR WILL....


    Kung BAKIT nangyayari ang mga BAGAY na i2...


    NAGPAPASALAMAT din po pala aq dahil BINIGYAN nyo po aq ng ISANG MBUTI at MAALALAHANIN na KAIBIGAN na TULAD nya...


    JOhto, Bhezt DJ...


    WE LOVE YOU..


    MARAMI pong SALAMAT...





    AMEN

    Chit said...

    i love you anak. words cannot express how much i love you. tears run as i write this comment. thanks jay for that wonderful blog. i know john is happy for giving him an honor in this write up. john- our life is indeed in God's hand. salamat sa Dios, he now truly have you in his care. i can't imagine losing you totally, but i hav to trust God, releasing you, surrendering you-knowing you are in God's great loving care, and that we will meet someday.

    to his friends: thank u for making john's life a very meaningful one. u did what i was not able to do for him -make him happy, accepted and important. i was not the best mom ever for him.... but i know God, his loving Father is now filling up the lack i gave him as a mom. i lov you john. pray that God would add years in my life... for you - that God would stl use me for His glory. And guide your two other siblings - angela and josh. We miss you so much anak. to God be the glory in all of these things that happened in our life - somethings we dont understand - but we need to accept, knowing He is God- and He has great plans, beyond us. We may plan but the God Almighty disposes. Salamat sa inyong lahat. you have made john's life complete... May you find God in your life as i have guided my son towards accepting Jesus as his personal Lord and Saviour. So that 1 day, we will all meet in that 1 place - in heaven with the Lord Jesus and his mighty angels. I pray...we would all meet together with John <for death is inevitable(di puwedeng iwasan) for every man. God bless you all!!!

     
    ©2009 Pinoy Reformista | by TNB | Gorgeous Beaches of Goa